Sa mata ng isang boss, may isang dosenang klase lang ng empleyado...
CLOWNS - Ang official kenkoy ng office. May mga one-liner sila na gumigising sa lahat kapag nagkakaantukan na. Sabi ng ilang boss, sila raw yung mga KSP sa office na dahil hindi naman matalino, o kadalasang matalino na tamad lang, eh dinadaan na lang sa patawa ang pagpapapansin. Pero aminin na natin. Walang opisinang walang ganito at kung meron man, magigigng malaking sakripisyo ang pagpasok sa work araw-araw.
GEEKS - Mga taong walang pakialam sa mundo. Papel, boss, at computer lang ang iniintindi. Kahit na mainit na ang ulo ng boss at bad trip, ang mga geeks ang walang-takot na lumalapit sa boss at nagtatanong kung mag-iiba ang result ng entry kung isa-substitute ang value ng debit sa credit.
HOLLOW MAN - May dalawang uri ng HM virus, ang Type A at Type B. Ang type A ay ang empleyado na madalas na invisible sa office, bakante ang upuan, madalas absent. Ang type B naman ang panay na pumapasok sa office, bagamat present eh invisible naman ang work at hollow ang utak.
SPICE GIRLS - Barkadahan ng mga magkakaibigang babaeng mahilig gumimik na laging late na pumapasok, sabay-sabay pa. Madalas na may hawak na hairbrush at songhits. (How jologs! Uso pa ba to?) Pag pinagawa mo ng group work, sila ang madalas na magkaka-grupo.
DA GWAPINGS - Ang male counterpart ng Spice Girls at isinilang para magpa-cute. Konti lang ang members nito, 2-3 lang para mas pansin ang bawat isa. Tulad ng Spice Girls, walang laman ang utak ng mga ito. Kadalasang puro hair gel lang ang makikita sa ulo nila.
CELEBRITIES - Politicians, athletes, performers. Politician ang mga palaban na empleyado na mas nag-aalala pa sa kalagayan ng kompanya at mga kapwa empleyado kesa sa performance sa opisinang pinaglilingkuran. Athletes naman ang ilang "varsitarians" na kung gaano kabilis magpano ng team sa inter-departmental sports competitions eh ganon naman kabagal magtrabaho sa loob ng opisina. Performers naman ang mga empleyado na kaya lang yata pumapasok eh para makasayaw, kumanta, at makatula sa stage kapag company anniversary. Sa pangkalahatan, ang mga celebs ay matindi ang PR, pero mababa ang IQ.
GUINNESS - Mga record holders pagdating sa persistence. Pilit pinupunan ang mga kakulangan sa katalinuhan. Sila ang mga kadalasang nagtatagumpay sa buhay. Masinop sa work. Mabilis magtrabaho, kahit na laging mali. Haha!
LEATHER GOODS - Mga empleyadong merong maling uri ng determinasyon. Laging determinado ang mga ito sa harapang pangungupit, bulgarang pandaraya, at palagiang pagpapalapad ng papel sa boss. Talo ang mga buwaya sa pakapalan.
WEIRDOS - Mga problematic employee, misunderstood daw, kadalasang tinatawag na black sheeps ng mga offices na kanilang kinabibilangan. May kanya-kanya silang katangian, konti ang kaibigan, madalas naapapaaway, mababa ang evaluation, at boss's Enemy No. 1.
MGA ANAK NI RIZAL - Ang mga endangered species kumbaga. Straight "A" employees pero well-rounded at hindi geeks. Boss' pet pero hindi sipsip. Busy sa work pero may oras pa rin sa extra-curricular activities, gimmicks at personal na hobbies. Hanep!
BOB ONGS - Mga medio matino na may sayad. Kumbinasyon sila ng Mga Anak Ni Rizal at Weirdos kind.
COMMONERS - Mga generic na member ng class. Kulang sa individuality at katangiang umuukit sa isipan ng mga nakakasalamuha nila. Hindi sila agad napapansin ng boss pag absent, at sa paglipas ng panahon, sila ang mga taong nakakalimutan ng mga boss at co-employees nila.
O, ikaw, san kang klase kabilang?
(back to Index)