MGA KAUGALIAN AT PAMAHIIN UKOL SA PAG-AASAWA by Jennifer Abuda

June bride ka man o hindi, mainam na malaman mo ang mga kaugalian at pamahiin ng ating lahi tungkong sa pagpapasakal… este, kasal.

PAGPANHIK NG LIGAW - Itinuturing na tapat ang hangarin ng binatang nanliligaw sa isang dalaga kung siya ay sa tanahan nito dadalaw upang makilala ang mga magulang ng kanyang sinisinta.

PAMANHIKAN - Pagpanhik ng mga magulang ng lalaking handa nang magpakasal sa kanyang kasintahan sa tahaan nito upang magkaroon ng mabuting pagkilala at tuloy pag-usapan ang kasal na gaganapin. Karaniwan nilang isinasama ang mga matatanda sa pamilya at ilang kamag-anak o kamag-anakan na may sinasabi.

KASALAN - Ang namanhikang kinalalakihan ang siyang sumasagot sa lahat ng gagastusin sa pagpapakasal maliban kung ito ay tatambalan o "tatakluban" (magluluto rin ang kababaihan ng mga pagkaing ihahanda na sila ang gagasta) ng mga magulang ng babae.

PALIPAT-BAHAY - Pagkatapos ng handaan sa bahay ng babae ay iuuwi na ng lalaki sa kanilang magiging tirahan ang babae o kung wala pa silang sariling tahanan ay sa bahay ng lalaki. Kasama ang mga abay, pamilya ng babae at pamilya ng lalaki dito. Ito ay tinatawag na "disposorio" sa ibang lugar. Ang kainan at katuwaan ay karaniwang ipinagpapatuloy dito.

PAGLULUHOD - Ilang araw matapos ang kasal ay pumupunta ang bagong kasal o bagong mag-asawa sa kanilang mga ninong at ninang at iba pang kamag-anakan upang magmano o manluhod. Tumatanggap sila rito ng alaalang salapi bukod pa sa tinanggap na nilang regalo upang makatulong sa kanilang pagsisimula sa buhay may-asawa.

Huwag isusukat ang damit-pangkasal sapagka't hindi matutuloy ang kasal.

Huwag magsuskob ng taon ang magkapatid sa pag-aasawa sapagka't sila'y magdaraigan sa kabuhayan.

Kapag initsa ng bagong kasal ang hawak ng bulaklak at ikaw ang nakasalo, ikaw ang susunod na mag-asawa,

Huwag magpapakasal nang patay ang buwan o paliit ito upang maging maayos ang pamumuhay.

Ang mga magkakasintahan ay huwag magbibigayan ng kuwintas o rosaryo sapagka't kapag ito'y nalagot ay hindi sila magkakatuluyan.

Kung sa kasal daw ay may bahaging nagsisindi ng kandila, kung alin daw ang naunang lumiit o namatay sa mga kandilang nasa tig-isang gilid ng ikinasal ay siya ring mauunang mamatay.

Huwag mag-uunahan sa paglakas pagkakasal upang sila ay magsunuran sa buhay.

Kapag belo ng ikakasal ay naitalukbong sa lalaki, ito ay maaander-de-saya.

Kapag nagsindi raw ang isa ng kandila, huwag idirikit ang mitsa sa isang may sindi na upang hindi lagging mag-aaway.

Huwag mong pagliligpitanng kinanan ang iba pang kumakain sapagka't mababalo kung may asawa at tatandang binata o dalaga kung wala pang asawa.

Ang dalaga kung nagluluto ay huwag kakanta sa harap ng kalan nang hindi magka-asawa ng biyudo.


(back to Index)